Blog na gubot para sa pagkakatingin ng owner...

Tuesday, March 3, 2009

Buhay Estudyante





I. Ang buhay ng estudyante
kahit hindi elegante
ay sadyang napakahirap
kung hindi ka mag sisikap

II. Sa araw-araw nagagawin
hindi laging palalampasin
and sampung-puntos na ibibigay
sa gurong malimit kung mag-bigay

III. Kung ang mga project hindi magawa
sa mga kaklase nagpapagawa
sila pa nga ang gumagawa
sila pang naghirap sa gawa

IV. Ang mga estudyanteng nagkunwaring mayaman
ay parang walang problemang kinakamkam
dahil nga nag-aaral sa pribadong paaralan
ang pagiging elegante ang pinapayaman




V. Ang mga estudyanteng may nga layunin
kahit anong pagsubok lalampasin
makamit lang ang inaasam na tagumpay
tungo sa pangarap na magandang buhay



VI. Ang Buhay ay sadyang talagang magulo
kung ang naniniwala ay nalilito
ang pag aaral daw ay mahirap
sa naniniwalang ito ay mahirap

VII. Kung ang estudyante ay magsisikap
hindi siya sadyang maghihirap
dahil hindi sadyang elegante
ang buhay ng isang estudyante